Monday, December 21, 2009

Batas Militar sa Ilalim ni Arroyo: Malinaw at Kasalukuyang Panganib

Batas Militar sa Ilalim ni Arroyo: Malinaw at Kasalukuyang Panganib

Nung nakalipas na 37 taon ay idineklera ni Pangulong Marcos ang batas militar. Daang daang aktibista ng inaresto at tinortyur. Ang mga organisasyong kritikal kay marcos ay idineklarang illegal. Ang mga demonstrasyon ay violently dispersed. Repression of the media became rampant.; under marcos an estimated 70, 000 became victims of extra judicial killings. Torture and enforced disappearances. More than 3,000 were executed and nearly 800 went missing. 37 years later justice still eludes the victims of the brutal regime. They have never been identified. Worse it seemed as though the marcoses never left. Today martial law activists are convinced that arroyo is worse than marcos. Karapatan, the human rights groups has documented more than 1000 victims of extra judicial killings and more than 200 victims of enforced disappearances. September 21, 2009 the first quarter storm activists joined thousands of others in calling for an end to the fascist arroyo regime.
Kahit walang pormal na deklarasyon ng Martial Law katulad noon ay nandyan naman ung ginagawa nila na yang mga lider ay kinakasuhan nila ng mga gawa-gawang kasong kriminal. Tinatakot, dinudukot, inaaresto, tinotortyur, at pinapatay. Kahit may kaluwagan pero ang pagmamalupit ay patuloy pa rin. At nandyan ang banta na anumang oras gaya ng rehimeng Arroyo ngayon na gagawin niya ang lahat manatili lang sa kapangyarihan sukdulang ipataw niya ang batas militar kung hindi na uubra yung kanyang Chacha, at iba pang maniobra para manatili sa kapangyarihan. Mas malupit ngayon ang panahon kasi nung araw ay iniimbitahan ka pa eh, ngayon hindi ka na iimbitahan, kinakasuhan ka na, kinukuha ka na. Mahirap ngayon kasi sa paglabag sa karapatang pantao, kasali yung pangkabuhayang aspeto, hindi lang naman yung pulitika. Mas maraming gutom ngayon, Mas maraming walang trabaho, mas maraming mahihirap kaysa nung panahon ni Marcos. Nag iba yung sitwasyon at mas tumitindi yung extra-judicial na mga pagpatay. Ngayon, mas garapal lang yung patayan. Si Marcos ginagamit niya yung batas pero pumapatay din. Itong kay Gloria garapalan, pupuntahan ka sa bahay at papatayin ka na lang kahit na sino o nasaan ka. Talagang desperado ang isang sistemang ito. Ang batas militar ay maaring mangyari lalo na kung lalakas ang mass movement. Ang nangyaring deklarasyon ng batas militar nung panahon ni Marcos ay nung lumakas ang mass movement na daang daang libo ang nagmamartsa sa kalye. At lingguhan ang labanan at pabigat ng pabigat hindi lamang dito sa Metro Manila kundi sa buong kapuluan. Ito ang nagtulak kay Marcos na ideklara ang batas militar. Nakataya na yung isang sistema. Pangitang pangita na naghahanda na si Gloria na magdeklara ng batas militar. Pangitang pangita na kinokonti konti nya ang pagkopya sa ginawa ni Marcos na pagdeklara ng batas militar. Nakikita sa senyales ng panahon na makakatikim na naman tayo ng batas militar sa kamay naman ni Gloria, pulitikal na pagsupil at pasistang gawi sa kanyang gobyerno.

* Ang mga pananaw sa taas ay nagmula kina: 1. Albert Abelar - First Quarter Storm President, 2. Ted Villafuerte - FQS Member, 3. Orlando Castillo - FQS Member

No comments: